1. OH YES!

    OH YES!

    (via littlemissinym)

  2. Goodbye 4 years, Goodbye.

    “Because I want you to know

    That I’m built to make you happy,

    And that’s all I want you to be.

    I want to make thing easy.          

    I love you but I have to set you free.”

                    Lyrics yan nga paborito kong kanta. Carried Away ang title, sinulat at kinanta ni JM De Guzman. Gustong-gusto ko ang kantang ito hindi lang dahil sa singer, kundi na rin dahil sa mensahe ng kanta. Paborito ko sa chorus yung last line. “I love you but I have to set you free”

    Habang naghuhugas ako ng pinggan at nakikinig sa musika ng aking IPod biglang tumugtog ang kantang ito. Nalungkot tuloy ako. Nalungkot na medyo natuwa dahil kahit papano bumalik ang ala-ala ng pansamantalang kilig at pangmatagalang pag-asa sa isang lalaking hindi naman pala magiging akin.

    Ganito nagsimula ang storya; Grade 6 ako nun, buwan ng disyembre at kaka-uwi ko lang galing sa last day ng Saturday classes namin. Pagbaba ko mula sa Maroon 1991 Toyota Corolla Model na sasakyan namin, nakita ko ang isang gwapong lalaki sa malayo. Nakaputing t-shirt at pantalon, may hawak na gitara at naka-upo sa sidecar nila na nakaharap papunta sa bahay namin. Tinitigan ko siya habang papalakad ako sa loob ng gate, at sumunod din naman siya ng tingin.

                    Pinapagawa ang maganda nilang bahay, rest-house ng lola nila. Hindi ko maipagkakait na mayaman sila at ang angkan nila. Hindi ko pa siya naka-usap dahil kapag dadaan kami sa may bahay nila, magtatago siya. Isa lang ang natatandaan ko, siya at ang gwapo niyang mukha. Inalam ko ang pangalan niya. Mabuti nalang madaldal at friendly ang yaya ng kapatid ko kaya agad-agad naging close namin yung assigned sa pagbabantay ng bahay nila. Nalaman ko ang pangalan niya, pati pangalan ng ibang mga pinsan niyang binata na gwapo din pero sa kanya talaga nahulog loob ko.

                    Kwento pa ni ate(yaya ng kapatid ko) na kinakanta daw niya yung Tuliro ng Sponge Cola kapag napapadaan sila ng kapatid ko at natatanaw niya ako. Madaming beses na din daw na tinanong niya yung kapatid ko tungkol sa akin. Ako naman, siyempre kinilig! Naging ganyan ang sistema. Natuto akong makuntento sa mga kwento ni  kuya caretaker at ate yaya. Tsismis ni kuya caretaker na parang gusto na din niya ako. Nagtatanong din daw siya ng mga bagay-bagay tungkol sa akin.

                    Dahil sa kanya naging pamilyar ako sa mga sasakyan nila. Kapag may dumadaan papunta sa bahay nila, sumisilip agad ako. Umaasa na kasama siya at makikita ko siya. Mahirap dahil hindi ko siya lagi natatanaw. Makikita ko lang siya kapag dumadalaw siya at ni minsan, hindi kami nagka-usap.

                    Isang beses pa nga, pinahiya ko sarili ko sa harap ng lola ko dahil sa kanya. Dumalaw kasi sa bahay namin ang lolo’t lola ko, sabay naman ng pagdalaw ni crush. Lumabas ang lola ko para tingnan ang bahay namin na inextend ang bubong ng garahe dahil bago na sasakyan namin. Lumabas ako para magmano at siyempre para makita siya. Pagkamano ko, sumilip ako sa malayo pero wala siya. Andun siya, sa malapit naka-upo. Siguro kung pwedeng umupo siya sa tapat ng bahay namin, dun siya pupuwesto. Mukhang nag-aantay ng isang tao. Ako siguro yung inaantay niya. Nagkatitigan kami pero hindi ko matagalang tumitig sa mga mata niya. Pumasok ulit kami sa loob para kumain ng merienda. Doon ko nakita na umupo siya, pinsan niya at ang yaya nila sa tambayan namin wa tapat ng bahay. Meron itong upuan na gawa sa tira-tirang plywood at kahoy na ginamit nung inayos ang mga kisame namin. Matapos ang ilang minuto naglakad na sila pabalik sa bahay nila. Tinitigan ko nalang siya mula sa pinto namin, habang tinatandaan ng utak ko ang litrato ng medyo masakit na paglayo nila. Si ate yaya ang dahilan kung bakit nalaman kong dalawang beses pala ako nakapagmano kay lola. Lumabas ako para magmano at para lang makita siya. Hindi naman siguro yun halata.

    Nadagdagan pa ang mga araw na ligaw tingin ako sa kanya. Kapag nandiyan siya, silip ako ng silip. Minsan lalabas at magnanakaw ng tingin. Nakalimutan ko ata na matatapos din yung bahay nila at inimbitahan kami sa blessing ng bahay na iyon. Inexpect ko na dadating siya pero hindi ko alam kung anong klaseng kaduwagan ang gumapang sa akin. Kakatapak ko palang sa loob ng bahay ay naglakad ako agad pa-uwi. Hindi ko na naisipang makikain sa handa nila. Dinahilan ko sa nanay ko na mag-aayos ako ng gamit dahil kinabukasan ang unang araw ko sa pagiging High School pero ang totoo ayos na ayos na ang mga gamit ko. Matapos ang ilang araw, nalaman ko na dumating siya, mismong oras ng pag-alis ko.

    Nanghinayang ako nun dahil hindi ko siya nakita pero naging inspirasyon ko siya. Nangyayari ulit ang ligaw  tingin kapag nandiyan sila at dumadalaw. Masaya na akong natatanaw siya mula sa bintana ko at nagpursige ako sa pag-aaral ko. Nagsimulang tumaas ang mga marka ko at naging pambato ako ng school sa mga Quiz Bee. Nanalo pa nga ako ng 5th place sa Regional Science Quest ng Region IV-A. Akalain mo yun? First time kong lumaban pero para sa akin napakalaking karangalan na ‘yun. Nagkaroon din ako ng crush sa school na kapangalan niya pero mas gusto ko siya. Natapos din ang unang taon ko sa High School na siya at siya parin ang pinapantasya ko.

    Natapos ang Ikalawang taon ko na ganun nga, hindi parin siya nakaka-usap. Humihiling ako ng isang selebrasyon sa bahay ng lola niya para naman makita ko siya. Hindi ito dumating. May mga oras na na-iisip ko parin siya. Pinanghahawakan ko ang mumunting ala-ala ng mga ligaw tingin ko sa kanya. Mga litrato ng kilig at paghanga kahit hindi ko pa naka-usap yung tao. Kilala ko siya, sa kilos at galaw. Kilala ko na din siya dahil sa mga kwento sa akin. Kilala ko din siya bilang isang natatanging admirer ko. Sa lagkit at dalas ba naman ng mga titig niya, hindi ko iisiping gusto niya ako? Tsaka binalita na din ni kuya caretaker, na gusto nga niya ako. Pina-abutan pa nga niya ako ng mga chocolates dati eh.

    Dumadating sa buhay natin ang mga pangyayaring hindi mo inaasahan. May nakilala akong lalaki sa isang online game, nakasundo ko at naging boyfriend ko. Dahil doon pansamantala kong nakalimutan itong si Mr. Destiny. Yan ang palayaw na binigay ko sa kanya. Pakiramdam ko kasi hindi pinahihintulutan ng tadhana na magkita kami. At oo iniisip ko na siya ang destiny ko. Sinasabi ko nalang sa sarili ko na dadating yung panahon na makakapag-usap kami ng maayos. Alam ko at alam niya pangalan ko subalit hanggang dun palang kami.

    Nagbreak kami ng boyfriend ko nung natapos ang ikatlong taon ko. Sobrang nalungkot ako at ilang gabi din ata akong umiyak. Ilang beses kong binalak hanapin si Mr. Destiny sa Friendster noon pa. Nagbakasakali ako sa Facebook na mahahanap ko din siya at yun nga ang nangyari. Ang one-and-only Mr. Destiny ko ay friend ko na(sa facebook)! Kaya lang naramdaman ko na nadurog ulit yung puso ko. May girlfriend na si Mr. Destiny at sa nakita kong mga pictures, halatang masaya sila sa relasyon nila. Maganda at sexy yung babae, hindi tulad ko na maliit, kayumanggi at mataba.

    Ang sakit sakit. Tatlong taon akong nag-antay tapos ganun? Kung sa bagay napakadami kasing pwedeng mangyari sa loob ng tatlong taon. Kung ako nga nagkaboyfriend eh. Dahil sa bigat ng pakiramdam, binuhos ko lahat ng kwento sa bestfriend ko. Nakinig naman siya at kahit hindi expert sa pagpapayo ginawa niya lahat para gumaan loob ko. Kinuwento ko din sa kanya si Mr. Destiny. Mabuti pa siya, may malasakit. Napansin kong mas naging sweet siya sa akin at nagpasimuno siya ng sweet na tawagan. Yung tawagang pang magsyota. Kahit magka-iba kami ng paaralan, inulan ako ng kantyaw ng mga kaklase ko dahil kaklase namin siya nung elementary. Opo, lalaki ang bestfriend ko at hanggang ngayon M.U. parin kami.

    Eto na final year na ng highschool ko. Masaya nga sila ng girlfriend niya, hanggang ngayon sila parin. Nakwento pa nga sa akin ni ate yaya na na-isama niya girlfriend niya dito. Totoo man yun o hindi, nasaktan ako at na-inggit. Nakaka-inis, gusto ko nalang magmove-on mula sa double heartbreak ko. Una dahil sa napakapangit na break up namin ng boyfriend ko at nung nalaman kong may girlfriend na siya. Bakasyon pagkatapos kong gumraduate, inimbitahan kami sa birthday ng pinsan niya na nakakalaro ng mga kapatid ko. Pagdating namin sa bahay nila, natanaw ko agad siya. Ayun siya. Mas matangkad, mas gwapo at binatang-binata na ang hitsura. Kalapit pa namin table nila. Siguro napakalayo na din ng hitsura ko simula nung una kaming nagkatinginan. Ako ay tuloy parin sa pagnanakaw ng tingin mula sa kanya habang nagpapatuloy ang party. Nahihiya ako sa bahay nila pero dahil nandiyan ang mga pinsan ko, nagkuwentuhan kami ng nagkuwentuhan at naging kumportable ako. Minsan nahuhuli ko siya at ang pinsan niyang nakatingin sa akin. Ako kaya pinag-uusapan nila? Natapos ang araw na hindi ko siya naka-usap.

    Tapos na ang party, uwian time na. Frustrated ako. Alam mo yung andun na? Ready to grab na pero pinalagpas ko. Hindi mo din naman masisisi ang hiya ko. Ako ang babae, bakit ako ang unang lalapit? Paulit-ulit sa utak ko yung pros and cons ng ginawa ko. “Okay lang yun, may girlfriend na siya kaya tama lang na ‘di mo siya kina-usap” tapos maya-maya sasabihin ko sa sarili ko “4 years ka nag -antay! Andiyan na! Pinalampas mo pa!”

    Nagyaya akong uminom sa mga pinsan ko dala na din ng frustration. Buti nalang walang kill joy kaya ang maliit na bote ng tanduay rhum ang napagtripan namin. Dapat tanduay ice pero wala kaya ‘yun nalang. Halos pa-ubos na yung bote habang pa-ulit ulit ako sa mga reklamo ko sa sarili ko. Naiintindihan naman ng mga pinsan ko kaya hinayaan nalang nila ako. Dun kami sa labas ng bahay uminom. Dinala namin yung coffee table sa labas. “‘Di baling maturn-off siya sakaling makita niya akong umiinom, may girlfriend naman na siya eh!”

    Nakita kami nung birthday celebrant sa labas. Nasa labas din kasi mga kapatid ko at nakikipapak ng pulutan naming mga tsitsiria. Pumunta si celebrant sa amin kasama yung mama niya at pinsan niya. Agad-agad kong tinago ang bote ng tanduay kaya mukha tuloy na umiinom lang kami ng juice at kumakain ng chips sa labas. Maya-maya nakita ko na sumunod siya. Kinabahan ako siyempre. Nag-usap ang mga kapatid ko at si celebrant. Siya naman, tinatawag na niya kapatid o pinsan niya dahil uuwi na daw sila. Binitbit ko ang aso kong si TJ dahil baka tahulin sila. May dahilan tuloy ako para umiwas sa mga tingin niya. Ilang Segundo lang naglalakad na sila palayo.

    “Goodbye 4 years. Goodbye.”

    Sobrang pinagsisisihan ko na pinalagpas ko yung ikalawang pagkakataon. Sana kina-usap ko na! Sana ako na nag-approach! Sana nagawa kong kapalan mukha ko sa harap niya tulad ng ginagawa ko sa ibang tao. Punong puno ako ng pagsisisi pero ayos lang. Handa akong mag-antay ng apat na taon ulit. Baka sa panahon yun, mag-asawa na sila ng girlfriend niya. Ay hinde, malay mo magbreak sila?…Basta. Hindi ko na ata siya makakalimutan, ang Mr. Destiny ko.

  3. dalawang tao, sa isang katawan

    Katulad ng ibang tao, may dalawang boses na nagingibabaw sa akin.

    Si Grace Positive at si Grace Negative. Na-iinis din ba kayo kasi mas nabubuhay si negative kaysa kay positive? Sa akin kasi oo. Mas nangingibabaw si negative kahit hindi naman maganda mga sinasabi niya, pero ngayon..Baka pwedeng patahimikin ko siya.

    Isang araw nag-aaway sila

    Grace Positive: Okay lang yan. Ano naman kung wala kang gaanong follower sa twitter at tumblr? Ano naman kung hindi libo readers mo sa wattpad? basta magsulat ka

    Grace Negative: Bakit pa siya magsusulat eh wala naman gaanong nagbabasa? Tingnan mo nga yang mga binabasa mo, ang dami-daming fans.. eh ikaw wala! BOO!

    GP: Eh sa nagsisimula pa lang siya! Pakialam mo ba!?

    GN: Sows! Simula? Eh bakit yung ibang blogger at writer? Kadami-dami nang fans pero mga bago palang?

    Nakaka-inis silang dalawa. Lagi nang nag-away sa utak ko. Tama si Negative, wala akong gaanong followers at fans sa mga account ko. Ang madami lang ako friends sa facebook pero napa-isip ako…

    Lahat naman ata ng blogger naguumpisa sa konting fans. Kung meron mang nagtrend agad, swerte na nila yun…

    So kahit konti ang magbasa, siguro dapat magpost parin ako…

    Kahit siguro hindi man mababasa nang lahat, atleast mabasa ng iba…

    Kahit siguro hindi nila basahin..atleast nagpost ako!

    So eto na talaga…

    Matagal ko na gustong magpost ng magpost  ng mga nasasa-isip ko. Hindi na siguro importante kung may magbabasa o makikinig. Ang importante na-express ko sarili ko.

    Grace Negative: Naku! Dapat matagal mo nang ginawa! Late ka na ‘te!

    Grace Positive: Anong late na? Ginagawa na nga tapos late pa?

    Hay nako! Kailan ba kayo titigil na dalawa?

  4. (Source: staypozitive, via surrenderedmicah)

  5. “even though all the things have fallen apart for me
    there’s still the undying hope that i can get back the things i lost.”

  6. (Source: bohemianhellhole.com, via chicintheciity)

  7. happy to make others happy :)

    happy to make others happy :)

  8. (Source: wontfadeaway)

  9. I hope this will work for both of us :(

    I hope this will work for both of us :(

  10. (via enchantedbytaylor)


Get Tumblr Layouts